Cash Loans are Increasing | Here's why

Ang personal cash loans ay uri ng pautang kung saan maaring mapaliit ang inyong unang gastos at mahati ang buong presyo nito sa ilang bayaran sa loob ng maraming buwan.
Sa paraang ito, mas napapagaan nito ang iyong unang gastos at mabilis na ninyong mababayaran ang ibang bagay na mas agarang kinakailangan.
Ayon sa data ng CEIC, biglaang tumaas ang dami ng pamilyang nagkakaroon ng utang at simula Enero 2020, patuloy itong tumaas hanggang Enero ng 2021.
Bagama’t makikita ang pagbaba nito mula Enero 2021 hanggang Abril 2021, makikitang mas mataas parin ito kumpara sa mga nakaraan taon.
Sa kabila nito, maraming Pilipino parin ang kumukuha ng cash loans. Bakit nga ba?
1. Biglaang medical emergencies.
Ayon sa isang pagsusuri ng Philstar, 84% ng Pilipino ay hindi handa sa mga biglaang gastos pangpaospital at pangbili ng gamot. Mahigit 50% din sa mga Pilipinong nagkakasakit ay kumukuha ng pangbayad sa sarili nilang bulsa. Iilan lamang ang kumukuha ng pangbayad sa Philhealth, sa gobyerno, o sa health insurance.
2. Biglaang paglipat sa digital platform.
Sa kabila ng pagiging digitally trustful ng mga Pilipino, nasa mbabang rank parin ang Pilipinas pagdating sa digital readiness, ayon sa isang pagsusuri sa mga bansa sa Asya. Mula sa 90 na kalahok, nasa 63rd place ang Pilipinas pagdating sa kahandaang digital.
Mula sa imprastraktura, kakayahan at kaalamang ilipat ang ating mga proseso mula manyal na proseso patungong digital ay bahagyang mabagal.
Halimbawa na lamang nito ang paglipat ng eskwela mula face-to-face learning patungong online classes. Bigla nalang kinailangang magkaroon ng laptop o cellphone ng mga pamilyang hindi naman ito kinailangan nuon at hindi pinaghandaan ang bilaang gastos.
Dagdag na dito ang biglaang pangangailangan sa mas maayos at mapagkakatiwalaang internet provider para sa mga empleyadong work from home at mga batang may online classes.
3. Inflation rate mula 2.48% noong 2019 sa 4% ngayong 2021.
Sa halos pagdoble ng inflation rate mula 2019 sa 2021, hindi maipagkakaila na mas mahirap at kukulangin pa talaga ang ating kinikita upang mapunan ang ating mga pang araw-araw na pangangailangan.
Hindi pa kasama rito ang pagdagdag ng mga basic needs na nuon naman ay hindi naman natin isinasama sa priority tulad ng load at internet.
4. Mas may oras na para sa hobbies at leisure.
Matapos magwork from home ng karamihan ng manggagawang Pilipino, nagkaron ng bagong opotunidad at pagkakaon ang mga Pilipino upang mag-explore ng iba’t ibang klase ng pagkakaabalahan tulad ng staycations, pandemic projects, at bagong hobbies.
Habang nakakaexcite magkaroon ng bagong hobbies o kung ano mang pagkakaabalan upang muling ganahan sa buhay, di parin maipagkakaila na lahat ng ito ay kinakailangan parin ng funds bago magawa.
5. Pambayad ng iba pang utang.
Utang kay mare at pare? Utang sa bangko? Utang sa credit cards?
Ang mga uri ng pautang na ito ay kadalasang may penalties o additional charges pag ikaw ay nakalimot o lumampas sa takdang araw at oras ng pagbabayad. Sa pamamagitan ng pag kuha ng cash loan, maaring mapahaba ang repayment period na ito hangga’t sa kaya mo itong bayaran.
Sa dami ng cash loans ngayon, di na maiiwasang magpatong patong ang mga utang. Paano ba natin masisigurado na hindi tayo malulubog sa utang at paano natin maiwasan ang mga problemang kaakibat nito?
- Suriin at magkumpara ng interest rates.
- Huwag magsabay ng 2 or tatlong loans.
- Siguraduhing pasok sa budget ang monthly amortization.
- Huwag kalimutan ang repayment schedule upang maiwasan ang penalties at addtional fees.
Sa hirap ng buhay ngayon, kinakailangan talaga maging wais sa paggastos, paggawa ng budget, at cash loans partner na kaakibat mo sa iyong pang araw-araw na pangangailangan.
Kaya naman ang UnaCash loans ay narito upang magbigay sa inyo ng tulong pinansyal. Ano pang hinihintay mo? I-download ang UnaCash app at mag-apply na!
