Mga Dapat Tandaan Bago Mag-apply ng Online Loan

Naghahanap ng loan pero hindi alam kung saan magsisimula? Or natatakot dahil baka malaki ang kailangang bayaran? Wag mag-alala, dahil naiintindihan ka namin! Madaling malito at mangamba kung wala kang gabay pagdating sa loans.
Kaya naghanda kami ng listahan ng mga bagay na dapat tandaan at itanong bago mag-apply ng loan!
1. Magkano ang dapat i-loan?
Madaling mabigla pagdating sa mga utang. Nandyan ang loan amount, interest rate, iba pang fees, at kung paano babayaran ang lahat ng ito buwan-buwan. Kaya bago mag-apply ng loan, siguraduhin munang kaya itong bayaran at pasok ito sa iyong budget.
Malaking tulong din ang paglista ng iyong mga bayarin para malaman kung magkano ang iyong dapat i-loan. Unahin ang mga pinaka-importante at wag magloan para sa mga bagay na hindi agad kinakailangan.
2. Magkano ang sweldo o kita mo?
Malaki ang epekto ng sweldo o kita sa kakayahan nating magbayad ng loan. Dito rin magbabase ang bangko or private lenders kung ia-approve nila ang loan mo, magkano ang ibibigay nila sayong loan amount, at gaano katagal ang terms of payment ng iyong loan.
Kaya dapat nakahanda ang mga payslip na nagpapakita na kaya mong bayaran ang iyong loan. O kung walang payslip, ihanda ang mga dokumentong magpapatunay na may ng iyong kakayahang magbayad ng inyong loan.
Most importantly, siguruhing pasok sa iyong budget ang monthly repayments ng iyong loan.
3. Anong klaseng loan ang iyong kailangan?
Pagkatapos i-compute kung magkano ang iyong kailangang i-loan, piliin kung anong klaseng loan ang mas nababagay sa inyong sitwasyon. Merong dalawang klase ng loan base sa collateral: secured at unsecured.
Secured Loan: Manghihingi ang lender ng kolateral bilang guarantee kung sakaling hindi mabayaran ang iyong loan sa loob ng mahabang panahon. Kadalasan, mas madaling ma-approve sa secured loans dahil dito. Ilang halimbawa ng kolateral ay bahay, kotse o savings account.
Unsecured Loan: Hindi kailangan ng kolateral sa lender. Mas flexible din ang mga ito at pwedeng gamitin para sa kahit anong gastusin. Kadalasan, mas mababa rin ang halaga ng iyong maaaring i-loan mula sa lender, di tulad sa secure loan. Ang mga halimbawa nito ay cash loans, salary loans, at personal loans.
Pwede ring kumuha ng loan base sa interest rate at repayment terms na mas maluwag at swak sa iyong pangangailangan.
4. Maganda ba ang standing mo sa bangko or private lender?
Makakatulong sa iyong loan application kung maganda ang standing mo sa bangko o private lender! Mas madaling ma-approve ang iyong application kung ikaw ay may kakayahang magbayad ng iyong loan.
Makakatulong sa inyong standing kung nagbabayad ka on or before due date, kung tama ang halagang binabayaran, at kung merong outstanding loans sa iyong pangalan
Maaari ring mag-request ng iyong credit report mula sa Credit Information Corporation upang makita ng mas detalyado ang impormasyong ito.
5. Magkano ang babayaran mo buwan-buwan, interes, late payment fee, atbp?
Bukod sa outstanding loan amount, kailangan rin i-compute kung magkano ang interest rate ng iyong loan.
Bukod dito, suriing mabuti kung ano pang mga uri ng fees ang kasama sa iyong loan principal, tulad ng late payment fee, processing fees, disbursement fees, at iba pa.
Isa pang halimbawa ay kung mababa ang interest rate pero malaki naman ang processing fee at may hidden fees pa.
Ang mga fee na ito ay madaling makadagdag sa inyong mga bayarin kada repayment period. Madaling magkapatong-patong ang mga fee na ito kung hindi mapapansin.
Ang pag-apply ng loan ay maaaring nakakatakot sa umpisa, kaya’t makakatulong kung susuriinng mabuti ang bawat detalye tungkol sa inyong loan, loan provider, at mga nakapatong na fees bago mag-apply ng loan.
Sa UnaCash, hindi kailangan ng kolateral at maraming supporting documents! Ang risonableng loan terms at repayment schedule ng UnaCash loans ay sisiguraduhing mas hassle-free ang inyong loan repayment. Perfect para sa inyong mga bayarin at gastusin!
